Tuesday, March 10, 2009

Anunsiyo

Pansamantala po akong hindi makasasagot sa mga mensahe sa text. Pandaigdigan ang krisis pananalapi ngayon. LOL. Maaari pa rin niyo po akong mapadalhan ng email sa aking GMail ( na nasa blog profile ko), Yahoomail, at UP Webmail. Salamat ng marami!

Saturday, February 28, 2009

LSS

Dalawang kanta ang LSS ko ngayon, parehong malungkot at walang kinalaman sa kalagayan ko ngayon. Disclaimer lang, sakaling may mag-ugnay ng kahulugan at mag-isip na inlab at/o sawi ako.

Yung una e "Lucky" ni Jason Mraz at Colbie Calliat (salamat kay Jovelle na nagbluetooth sa akin nito). Matagal na akong bilib kay Jason Mraz, pangunahin dahil ang lawak ng range ng boses niya, na kahit pangkaraniwan lang naman ang kanta e napapaganda niya. Kay Colbie Calliat naman, medyo nakakabagot ang repertoire niya. Pero nang magsama ang dalawa sa "Lucky" e parang ang husay lang ng collaboration. Sayang lang at napakapangit ng video, samantalang ang daming konsepto na pwedeng mahugot sa kanta.

Yung isa pa eh yung "Isipin Mo Na Lang" ni Bayang Barrios, theme song ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Mushy at emo ang kanta, pero madaling masabayan at maalala. Kaya hanggang ngayon kahit dalawang araw nang nakalipas mula nang manood uli ako ng Maxi, LSS ko pa rin siya ngayon.

Pero ang punto ng post na ito ay ito: kahit LSS ko sila, hindi ko sila makanta-kanta dito sa opisina, lalo na at huling araw ko ngayon dito. Kapag narinig kasing kinakanta ko e tiyak na uulanin ako ng sangkatutak na tanong at pang-uuyam, bilang hindi ko naman inilihim sa mga kaibigan ko na may maiiwanan ako sa opisina na minsang pumilas ng kaunti sa, uhm, puso ko. (Helen Degeneres at Venus Williams, kung binabasa niyo man ito, pwede bang magkunwa muna kayong walang malay?)

Isipin mo na lang, na-e-LSS ka pero 'di mo mapagbigyan ang sarili mong kumanta. Tuloy, mapipilitan kang ibulong bulong na lang ang lyrics. Paano ba naman, pag kinanta ko ang mga linya sa baba, siguradong agaw-atensyon na naman ako.

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Sagad na sa kakornihan, meron pang undertones ng pagiging hopeful at helplessly in love. Ta***na lang talaga.

Monday, February 16, 2009

Drama-rama sa Gabi

Hanggang sa katapusan na lang ako dito sa current company ko. Isang araw na pahinga, tapos sa March 2, balik alipin ng salapi na uli sa bago kong trabaho sa pinakamalaking call center daw sa Pilipinas. Tech support ng telepono, internet, at TV. AT&T account.

Isinusumpa ko hanggang ngayon ang pinirmahan kong kontrata nung una kong trabaho. AT&T din ang account, at bilang kilalang kumpanya ang AT&T kahit dito sa Pilipinas, oo naman ako agad. Kaka-18 ko lang din nun, kaya may pagka-naive at vulnerable. Buti na lang at nakapagresign ako pagkatapos maregular at nakalipat sa kumpanya ko ngayon.

Ngayon, welkambak sa akin ang AT&T. Sana mas maayos ang maging pangalawang karanasan ko.

***

Hindi ko pa lubos nadadama na malulungkot ako sa pag-alis ko sa 28. Kahit na marami akong taong pagpapaalaman. Kay C na hindi ko man lang napagsabihan ng nararamdaman, kay R na hindi ko pa nahihingan ng tawad, bilang akala niya yata ay pwede kaming maging higit pa sa magkaibigan, at sa nagbigay sa akin ng card nung Valentines, na may "to you, from me" pang nalalaman. Hindi ko naman kailangang mag-babay sa mga kaibigan ko. Hindi naman ako malilimutin pagdating sa pagkakaibigan.

Mamimiss ko ang unlimited internet na dito lang sa kumpanyang ito bawal pero nalulusutan, ang mga guard na kakuntsaba ko sa pagpuslit ng pagkain sa floor, at ang snoozebox kung saan maraming nagaganap.

***

Nakakatuwa naman, bilang may mga nahikayat akong mga kaopisina na gumawa ng blog. Alam ko kasing marami silang angas sa buhay na kailangan ng outlet. Si Venus Williams at Helen Degeneres. Bisitahin niyo rin sila kapag nagkaoras kayo. :)

Sunday, February 08, 2009

Kung paano gagaan ang buhay call center mo

PROLOGUE

Masuwerte akong bata. Isang taon mahigit na akong alipin dito sa kumpanyang 'to, pero hindi pa ako nahuli ni minsan na nagrelease o di kaya nag-internet habang may tawag. Na ginagawa ko madalas. Tatlo kaya ang blog ko.

Maliban kasi sa suwerte, pinilit kong matuto ng mga bagay na makakapagpagaan ng buhay call center. Yung ibang mga teknik e kusa kong naimbento, pero karamihan, "wisdom from the wise," iyong tipong mga time-tested Avaya martial arts na ilang henerasyon na rin ang dinaanan.

Balak kong gumawa ng serye, parang Dummy Guide sa kung paano maisahan ang mga nasa Itaas. At kung may makakabasa na may alam pang ibang mga mas mahuhusay na paraan at/o istratehiya, baka naman pwedeng ibahagi?

Pero bago ang lahat, maglalunchbreak muna ako.

Saturday, January 03, 2009

Mga Istratehiya para sa Katinuan

Kung naipagbibili lang ang katinuan ng pag-iisip, tiyak na lalagpas nang bonggang bongga ang demand sa supply. Iyon siyempre ay kung hindi pa natutuklasan kung paano magmass-produce ng katinuan na para lang mga Titanic T-shirts noong 90s.

Ang problema e, marami talagang bagay na sana lang ay naipagbibili: tulad ng katinuan, pag-ibig, katalinuhan, breeding, will para tumigil sa pagyoyosi, will para tumingin sa salamin, will para pumasok on time sa school at/o trabaho.

Kaya, habang hindi pa for sale ang katinuan, matindi-tinding pagpaplano at pag-iistraheya ang kailangan para makaranas kahit man lang semblance ng katiwasayan. Para pa saan ang lecheng Starbucks planner na yan, kung di gagamitin sa pagpapanggap na kaya kong gawing "new" ang year na ito?

So. Eto ang mga New Year's resolution ko.

1. Limitahan ang pagyoyosi. I know, right? Balang araw, pag inalok ako ng yosi, kaya ko nang umeksena nang: "Sige, thanks. I quit smoking na eh."

2. Pumasok na nang maaga sa trabaho. Sa opisina, meron silang pakulo. Meron kang 24 puntos pagkatanggap mo sa trabaho. Nababawasan yun kada absent, late, o overbreak mo. Parang sa School of Rock, stars nga lang dun. Sa kasalukuyan, negative 60+ ang score ko. Kilala ako dati na laging absent tuwing Martes.

3. Magbenta na uli. Nang fatally. Ngayon kasi hirap na pumalo ang sales ko sa $1000 kada buwan. Samantalang dati, halos maka $3000 ako. Ganun talaga, tinatamad na ako. Pero balak kong magkaroon ng comeback. Si Britney nga na kung anu ano na ang ginawa sa sarili, nakapagcomeback pa di ba? Ayaw lang nga siya nga mga kano na maging kapitbahay, ayon sa isang latest survey.

4. Mag-enroll na sa June. Para di naman ako mapahiya na lang lagi tuwing reunion at nagbibidahan na ng mga achievement sa school. O kaya para di na ako mapagalitan lagi ng nanay ko, na panahon pa yata ni Marcos e pinapagresign na ako sa trabaho para raw makabalik na ako sa Diliman.

5. Aralin uli tumugtog ng piano. Hindi ako dummy pagdating sa pagtugtog. Bigyan mo ako ng music scheet, at kaya ko namang igapang ang pagtugtog niyan. Pero gusto kong medyo above mediocre naman ako, para sosyal. (i.e. "Gumagana ba iyang piano niyo. Patugtog naman ako. Inaaral ko mga sonata ni Liszt e.")

Yan na lang muna. Ang dami ko nang calls na nirelease.

Sunday, December 28, 2008

Stereotype Daw


Today is Palusot Day. Again.

Late na naman ako. Ng halos dalawang oras. Alas dose ng madaling araw ang pasok ko dapat, Manila time--alas onse ng gabi kapag sa Avaya. Dumating ako ng mag-aalas dos na.

Buti na lang mabait ang Team Captain ko, Si Rodin. Sabi ko masakit tiyan ko, pero hindi naman iyon siyempre totoo. At alam kong alam niyang sinungaling ako. Isa ang call center sa pinakamaaasahan mong lungga ng mga bolero, bolera, artista, at sinungaling. Likas lang talagang mabait si Rodin, kaya lusot na naman ako.

Pero totoong masama ang pakiramdam ko (bahala ka na kung maniniwala ka). Gabi na ako nakatulog dahil ang init sa apartment ko. Miss na miss ko na ang aircon sa bahay ng Mommy ko. Kung susumahin, nakatulog ako ng mga anim na oras, hindi sapat. Matakaw ako sa tulog. Kailangan ko ng di kukulangin sa walong oras na tulog kung gusto ko ng katinuan.

Pero ayos lang kahit zombie na naman ako habang tumatanggap ng mga tawag. Kaunti lang naman ang calls, hindi queuing, bilang Linggo sa Canada. Sunday is Friendster day, kilala ding Diner Dash Day, Hotdog Bush day, YouTube Day, Blogger Day, Downelink Day. Dati ring G4M Day, pero hindi na ngayon pwede ang magsurf ng sites na may "explicit content." Disabled na ang network.

Lunch break ko na. Babay na muna.

Friday, December 19, 2008

Call center job quiz